Sama ng panahon sa Pilipinas, inaasahang tatama naman sa Vietnam sa Martes

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 2670

Inaasahang tatama sa Vietnam ang sama ng panahon na kung tawagin ay Vinta sa Pilipinas at may international name na Tembin. Si Tembin ay nag-iwan ng malaking pinsala sa buhay at ariarian.

Ayon sa National Center for Hydro Meteorological Forecasting, inaasahan itong kikilos patungo sa timog ng Vietnam partikular sa Ca Mua, Martes ng hapon bago kumilos patungo naman ng Gulf of Thailand.

Sa ngayon ay naghahanda na ang mga otoridad dito sa Vietnam sa pamamagitan ng paglikas ng may isang milyon ng residente sa mga bayan sa timogang bahagi ng bansa.

Sarado na rin ang mga eskwelahan upang maiiwas ang mga bata sa mas malaking pinsala ng bagyo.

 

( Jane Robles / UNTV Correspondent )

Tags: , ,