Sabayang patak kontra Polio ng DOH magsisimula na Ngayong Araw Oct. 14

by Erika Endraca | October 14, 2019 (Monday) | 3838

MANILA, Philippines – Magsisimula na Ngayong araw (October 14) ang sabayang patak kontra Polio ng Department of Health (DOH)  sa ilang probinsya ng bansa.

Ang mga dapat pabakunahan ay ang mga batang wala pang 5 taong gulang, kahit ito ay napabakunahan na o hindi pa. Unang isasagawa ang sabayang pagbabakuna laban sa Polio sa National Capital Region,Lanao Del Sur,Marawi City,Davao City at Davao Del Sur. Tatagal ito hanggang October 27.

Sunod naman ay sa buong Mindanao at NCR sa November 25 hanggang December 7 ngayong taon. At muli ay sa buong Mindanao sa January 6 hanggang 18 sa susunod na taon. Paalala ng DOH sa mga lugar na hindi nabanggit ay dapat kumpletuhin ang bakuna ayon sa immunization schedule

(Bernard Dadis | UNTV News)

Tags: ,