“Sa ‘Di mabilang na Tala” itinanghal na ASOP Year 8 Song of The Year

by Erika Endraca | November 11, 2019 (Monday) | 3188

METRO MANILA – Itinanghal na song of the year kagabi sa ASOP Year 8 Grand Finals ang awiting “Sa ‘Di Mabilang Na Tala”. Komposisyon ng OPM artist at songwriter na si Carlo David at inawit naman ni Gidget Dela Llana iyon na ang Ikalawang pagkapanalo ni Carlo sa “A Song of Praise Music Festival” (ASOP).

Noong Year 5, ang kanyang komposisyong “Dahil Sa Iyo” na inawit ni Philippine King of R&B Jay-R ay itinanghal ding song of the year. 1st runner up namang ang song entry ni Rinz Ruiz na “Tahan Na” na inawit ng singer-songwriter na si Vanz.

2nd runner up ang “Sagwan” na obra maestra ni Aiza Narag, at inawit ni Louie Ann Culala.Nanalong 3rd runner up ang tag-lish song entry na “Don’t Give Up” na isinulat ni Cherry Labating. Ang interpreter naman nito ay si Jinky Vidal.

Napili naman ng mga hurado na best interpreter ang singer-songwriter na si Ethan Loukas. People’s choice naman ang “Sa Di Mabilang Na Tala” na nanalo sa pamamagitan ng accumulated points sa online voting at power viewing.

Ang prestihiyosong Brother Eli Soriano’s (BES) choice awardee naman sa taong ito ay walang iba kundi ang kapiling na ng ASOP family mula pa noong year 1: ang 2 host ng programa, sina Richard Reynose at Toni Rose Gayda. at ang resident ASOP judge, ang pambansang suplado si Doktor Musiko Doc Mon Del Rosario.

Ayon naman sa President at CEO ng UNTV-BMPI na si Kuya Daniel Razon nais pa niyang mapalawak at lalo pang maihatid sa mas maraming tao ang konsepto ng ASOP Nagbigay din ng mensahe ang overall servant ng Members Church Of God International (MCGI) si Brother Eli Soriano.

Tags: