Ruling ng The Hague sa arbitration ng Pilipinas vs China, ilalabas na bukas

by Radyo La Verdad | July 11, 2016 (Monday) | 4261
(photo credit: gov.ph)
(photo credit: gov.ph)

Inaasahang ilalabas na bukas ng The Hague ang ruling sa arbitration case na isinampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea dispute.

Ayon sa statement na inilabas ng Permanent Court of Arbitration o PCA, unang ipapadala ang desisyon sa Manila at Beijing via email.

Kasama nito ang isang press release na naglalaman ng summary ng desisyon na nakasulat sa English at French at may unofficial Chinese translation.

Pagkatapos nito ay padadalhan din ng kopya ng desisyon ang mga observer countries at PCA member states.

Nagsimula ang arbitration case noong January 22, 2013 nang padalhan ng Pilipinas ang China ng notification and claim sa ilalim ng probisyon ng United Nations Convention on the Laws of the Sea o UNCLOS.

Ngunit ni-reject ito ng China.

(UNTV RADIO)

Tags: ,