Rory Mcilroy, balik-aksiyon na sa World Golf Championship sa Mexico matapos ang rib injury

by Radyo La Verdad | March 1, 2017 (Wednesday) | 1445

Rory Mcilroy(REUTERS)

Balik aksiyon na si Rory Macilroy ngayong linggo sa World Golf Championship sa Mexico City.

Pansamantalang namahinga ang 27 taong gulang na si Macilroy sa kanyang tinamong fracture sa isa sa kanyang mga tadyang.

Hindi muna naglaro si Mcilroy mula nitong Enero at sa torneo ngayong lingo ay masusubok kung balik na sa dati ang kanyang laro.

Naglaro si Mcilroy na may pinaghihinalaang back injury sa South African Open kung saan tinalo siya sa playoff ni Graeme Storm ng England.

Tags: , , , ,