Rollback sa presyo ng LPG, ipatutupad ng ilang oil companies ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 1, 2022 (Thursday) | 4838

METRO MANILA – Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng tapyas presyo kada kilo ng kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG) epektibo ngayong araw (September 1).

P1.75 ang ibabawas kada kilo ng kanilang 11 kilogram na tangke na LPG o katumbas ng P19.25 bawas presyo batay sa abiso ng mga kumpanya ng Petron at Phoenix LPG Philippines.

Ang Solane naman ay P1.62 bawas presyo kada kilo o katumbas ng P17.82 kada 11 kilogram ng tangke ng LPG.

Sa Auto LPG naman, P0.98 ang bawas kada litro ng Petron, habang P0.95 naman ang Phoenix LPG.

Tags: ,