Roger Federer, ipinakitang wala pa ring kupas matapos talunin si Dan Evans sa Hopman Cup

by Radyo La Verdad | January 3, 2017 (Tuesday) | 774

roger-federer
Ipinakita ni former World Number One Roger Federer na wala pa rin siyang kupas matapos talunin ang Briton na si Dan Evans, 6-3, 6-4 sa 2017 Hopman Cup.

Ang 17-times grand slam winner ay sumailalim sa knee surgery noong nakalipas na Pebrero.

Hindi rin ito nakapaglaro sa French Open nang nakaraang taon dahil sa back injury.

July 2016 naman nang ipahayag ito na pansamantala muna siyang titigil sa paglalaro dahil sa kanyang extensive rehabilitation sa mga tinamong injury.

Tangka ni Federer na manalo ng grand slam ngayong 2017.

Tags: ,