Rizalito David, naghain ng mosyon sa Senate Electoral Tribunal upang masubpoena ang mga dokumento ukol sa citizenship ni Sen. Grace Poe

by Radyo La Verdad | August 25, 2015 (Tuesday) | 1415

DAVID
Nais ni dating Senatorial Candidate Rizalito David na hingin ng Senate Electoral Tribunal sa National Statistics Office at Bureau of Immigration ang mga orihinal na dokumento na may kaugnayan sa isinampa niyang disqualification case laban kay Senator Grace Poe.

Kabilang sa mga dokumento na nais ipasubpoena ni David sa pamamagitan ng kanyang inihaing mosyon ay ang original birth certificate at travel records ni Poe.

Ayon kay David, malaking isyu ang citizenship ni Poe kung sakaling magdesisyon itong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa susunod na eleksyon.

Inamin din ni Rizalito David na pinag-aaralan na rin niyang maghain ng purgery complaint laban kay Sen. Grace Poe sa Ombudsman at Department of Justice dahil sa umano’y paglalagay ng hindi paglalagay ng tamang impormasyon noong nag-apply ito ng Reacquisition of Philippine Citizenship.

Handa naman sagutin ng ni Sen. Poe ang ihahaing perjury complaint laban sa kanya. (Joyce Balancio / UNTV News)

Tags: