Right to privacy, nananatiling usapin sa pagpapasa ng national ID system

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 4045

Sinimulan nang talakayin kahapon ng senado ang panukalang pagkakaroon ng national identification system sa bansa, ito ay matapos makapasa noong Setyembre ang bersyon nito sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Sa pamamagitan ng national ID, pag-iisahin na lamang ang lahat ng government issued ID para sa mas mabilis na transaksyon.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, malaking tulong rin ito upang masugpo ang krimen. Target na makapasa sa senado ang proposed national ID system sa 1st quarter ng 2018.

Ayon naman sa Philippine Statistics Authority, kahit di pa nakakapasa ang panukala ay nagsisimula na silang maghanda. Lalo na’t may nakalaan na sa kanilang 2 billion pesos sa 2018 budget para sa national ID system.

Ipagpapatuloy ang pagdinig sa susunod na linggo kung saan papakinggan rin ang posisyon ng mga stakeholder kaugnay ng usapin sa paglabag sa right to privacy ng isang tao.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,