METRO MANILA – Opisyal nang inilunsad kahapon ng Department of Education (DepEd) ang revised curriculum para sa Kinder hanggang Grade 10.
Kasama sa nilalaman ng recalibrated curriculum ang pagbabawas ng subjects.
Gayudin ang pagbibigay diin sa development ng literacy, numeracy at socio-emotional skills ng mga Kinder hanggang Grade 3 students.
“The new K-10 curriculum will integrate peace competencies highlighting the promotion of non-violent actions and the development of conflict-resolutions skills in our learners” ani DepEd Secretary Vice President Sara Duterte.
METRO MANILA – Muling pinag-iingat ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng post tungkol sa umano’y cash assistance na ibibigay sa mga graduating student.
Sa isang mensahe nilinaw ni DepEd Undersecretary Michael Poa, na walang ganitong programa ang ahensya at pinayuhan ang mga magulang at estudyante na huwag magbibigay ng anomang personal na impormasyon sa mga ganitong klase ng post.
Nakasaad sa fake advisory na makatatanggap umano ng P8, 000 na cash aid ang mga graduating student mula elementary hanggang college level.
Ayon sa DepEd hindi dapat paniwalaan ang naturang post, at pinaalalalahanan ang mga magulang na mag-ingat upang hindi makompromiso ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga anak.
Tags: DepEd, Fake Cash Assistance
METRO MANILA – Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga pampublikong paaralan sa bansa na isagawa ang kanilang end-of-school-year (EOSY) rites sa loob ng mga gusali o indoors.
Ayon sa kagawaran, nakatakdang ganapin ang mga EOSY rites mula Mayo 29 hanggang 31 ngayong taon, at itinakda na gawin ito sa loob ng mga gusali o sa mga lugar na may sapat na bentilasyon at malayo sa sikat ng araw.
Pinapaiwas din ng DepEd ang mga paaralan nai-iskedyul ang kanilang EOSY rites sa oras ng araw kung saan ang temperatura ay nasa pinakamataas na lebel.
METRO MANILA – Iminungkahi ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pagtatapos ng school year 2024 to 2025 sa buwan ng Marso sa susunod na taon.
Ito ay upang maibalik sa April to May ang bakasyon sa eskwelahan.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Brigas, nagsumite na ang kagawaran ng liham sa Office of the President patungkol sa end of school year.
Nakiusap naman si Bringas sa komite na bigyan ng panahon ang pangulo na mapag-aralan ang isinumiteng sulat ng kagawaran.
Sa oras na italaga ang pagtatapos ng school year 2024-2025 sa March 2025, magiging 165 days na lamang ang school calendar.
Tags: DepEd