Hindi pinagbigyan ng pro¬sekusyon ang kahilingan ni detained Sen. Bong Revilla na makadalo sa debut ng anak nitong babae ngayong sa Sabado ng gabi, Okt. 24.
Sa mosyon ni Revilla,nakasaad na nais nitong magampanan ang obligasyon bilang ama sa pamamagitan ng pagpunta sa ika-18 kaarawan ng anak na si Ma. Fraznel Loudette Bautista sa Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.
Subalit matapos pag-aralan ng Sandiganbayan First Division ang mosyon ni Revilla, sinabi ni lead prosecutor Joefferson Toribio na hindi dapat payagan ang kahilingan nito dahil sa kakulangan ng merito.
Aniya, kapag pinagbigyan ang kagustuhan ni Revilla ay panggagalingan pa ito ng isipin sa publiko na pinagbigyan ang nakakulong na si Revilla dahil sa ito’y isang mambabatas.
Si Revilla ay patuloy na nakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, QC dahil sa kasong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam. Kasama nitong nakakulong si Sen. Jinggoy Estrada.
Tags: Revilla