Return of service ng mga mag-aaral kapalit ng libreng tuition, inalis na sa IRR

by Radyo La Verdad | September 20, 2018 (Thursday) | 11828

Tuluyan nang inalis sa implementing rules and regulations (IRR) ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 ang “return of service” provision.

Ito ang ipinaglaban ng Makabayan Bloc sa magdamagang budget deliberation sa Kamara kagabi.

Sa orihinal na IRR ng Commission on Higher Education (CHED), obligado ang lahat ng mga estudyanteng pinapaaral ng libre na magtrabaho sa kanilang paaralan gaya ng pag-aayos ng libro sa mga library, pagtatanim at pagpapaganda sa mga school campus.

Sa isang statement ni CHED OIC Prospero De Vera III noong ika-14 ng Marso, sinabi nitong kung ayaw ng estudyante na magreturn of service dapat magbayad sila ng tuition.

Pero kaninang madaling araw, ipinilit ni ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio na tanggalin na ang nasabing probisyon sa IRR na sinang-ayunan naman ng CHED.

 

Tags: , ,