Resulta ng pagsusuri sa pito pang farm worker na na-expose sa Avian flu, hinihintay pa ng DOH

by Radyo La Verdad | August 28, 2017 (Monday) | 1738

 

Hinihintay pa ng Department of Health ang resulta ng pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine sa pitong farm worker na na-expose sa Bird flu sa Nueva Ecija at Pampanga.

Ang mga ito ang ikalawang batch ng mga isinailalim ng DOH sa pagsusuri upang matiyak na walang kaso ng human transmission ng Bird flu virus.

Una nang sinabi ng kagawaran na wala pang naitatalang nag-positibo sa Bird flu virus sa bansa. Hindi rin dapat ikabahala ng publiko ang napabalitang nakakahawa sa tao ang naitalang H5N6 strain na nakita sa Pilipinas.

Samantala, may mga itinalaga na ring ospital ang DOH sa Region 3 at sa Nueva Ecija upang mag-assess ng mga suspected cases at para sa diagnosis ng mga nakolektang specimen ng mga ito.

Naka- heightened alert status ang San Lazaro Hospital at ang Lung Center of the Philippines sakaling may maitalang human transmission ng H5N6 sa sa bansa.

Ayon naman sa Bureau of Animal Industry, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng virus at mapigilan na kumalat pa ito sa iba pang lugar sa bansa.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,