Resulta ng imbestigasyon ng PNP-AKG sa Jee Ick Joo kidnap-slay case, ilalabas na ngayong linggo

by Radyo La Verdad | February 13, 2017 (Monday) | 2022


Anomang araw ngayong linggo ay isasapubliko na ng PNP-Anti-Kidnapping Group ang resulta ng isinagawang imbestigasyon sa Jee Ick Joo kidnap slay case.

Una nang ipinahayag ni PNP-AKG Director Police Senior Superintendent Glenn Dumlao na kumpleto na ang imbestigasyon at may nadagdag pang mga suspek sa kaso ngunit tumanggi muna siyang magbigay ng detalye.

Iniimbestigahan na rin nila ang mga kaso ng pagdukot at pagkawala ng iba pang dayuhan sa bansa dahil may nakikita silang indikasyon na iisang grupo lang ang gumagawa nito.

Gayunman, itinanggi ni Dumlao ang posibilidad na Korean mafia ang nasa likod ng krimen sabay giit na isolated lamang ang kaso ni Jee.

Aminado rin ang opisyal na may gumagaya sa estilo ng grupo kung paano mandukot at mangikil sa mga dayuhang biktima.

Tags: ,