Dumating sa Department of Justice kahapon para sa pag-uumpisa ng preliminary investigation ang ilang responsdents sa kaso ng P6.4B shabu shipment na nasabat noong May 26 sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Nahaharap ang mga ito sa paglabag sa Section 4 o ang Importation of Dangerous Drugs and/ or controlled precusors and essential chemicals ng ra 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ilan sa mga humarap sa pagdinig ay sina Irene Tatad mula EMT Trading, ang consignee ng shipment, ang businessman na si Kenneth Dong at si Ret. Col Neil Estrella, ang dating BOC intelligence chief. Nanumpa ang mga ito at nagsampa ng kanilang counter affidavit.
Dumating din sa pagdinig si Fidel Anoche Dee, ang caretaker ng warehouse at ang may- ari ng Hongfei Logistics na si Richard Tan. Gayunman, humingi si Tan ng palugit sa pagsusumite ng kaniyang counter affidavit.
Hindi naman nakarating sa unang araw ng pagdinig ang nagpapakilalang customs broker na si Mark Taguba at Teejay Marcellana. Tiniyak naman ni Atty. Raymond Fortun, legal counsel nina Taguba at Marcellana na dadalo ang mga ito sa susunod na hearing at hindi na aniya kinakailangang humarap pa sa DOJ ang kaniyang mga kliyente.
Kasama rin sa mga sinampahan ng reklamo ang Taiwanese Nationals na sina Chen Min, Jhu Ming Jyun at Manny Li na no-show sa pagdinig.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)
Tags: counter affidavit, DOJ, P6.4B shabu