Resolusyon na tumututol sa implementasyon ng driver-only ban, ini-adapt ng Senado

by Radyo La Verdad | August 16, 2018 (Thursday) | 3502

Ini-adapt ng Senado ang resolusyon na layong himukin ang Metro Manila Council at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na itigil ang implementasyon ng driver-only ban sa EDSA.

Ang resolusyon ay iniakda nina Senate President Vicente Sotto III, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senate Majority Leader Miguel Zubiri.

Ayon sa mga senador, ang kontroberysal na scheme ay hindi man lamang dumaan sa public consultation at due process.

Hinihimok rin ang MMDA at Metro Manila Council na magsagawa ng public consultation kaugnay ng naturang scheme at pag-aralang mabuti kung ang driver only ban ay talagang solusyon sa malalang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Ayon naman kay Senator Richard Gordon, dapat na ring pag-aralan ang mga panukalang i-develop ang ilang lugar sa bansa upang maging sentro rin ng pagnenegosyo.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,