Resolusyon kontra sa labor contractualization,inihain sa Senado

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 1781

PIMENTELBSP_031215
Isinusulong sa Senado ang isang resolusyon upang matigil ang labor contractualization sa bansa.

Ang Senate bill no.3030 na inihain ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel ay naglalayon na bigyan ng seguridad ang mga Pilipino na magkaroon ng pangmatagalang trabaho.

Ayon sa senador, nakasaad sa konstitusyon na kinikilala ng estado ang trabaho bilang pangunahing social economic force ng bansa, at dapat na maproteksyonan ang kalagayan at karapatan ng mga manggagawa.

Giit pa ni Pimentel, ang mga employer umano sa bansa ay hindi nagpapakita ng malasakit sa kanilang mga manggagawa dahil sa sariling sistema na kanilang ipinatutupad.

Sa kasalukuyan umano, ang mga manggagawa ay natatanggal sa trabaho sa tuwing sasapit ang ikalimang buwan at kinakailangan pa na mag-apply muli.

Saad ng senador na panahon na upang matigil ang ganitong pahirap na sistema sa libo-libong mga Pinoy na naghahanap ng maayos at pangmatagalang trabaho.

“These prevalent practices of labor contractualization have made it difficult for workers to attain the security of tenure guaranteed by the Constitution,” saad ni Pimentel.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,