Resignation ni Davao City Vice Mayor Duterte, ituturing na tinanggap kung di maaksyunan pagkatapos ng 15 araw

by Radyo La Verdad | December 28, 2017 (Thursday) | 2763

Ituturing na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ng kaniyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kung di ito maaaksyunan pagkatapos ng 15 araw.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, batay ito sa Local Government Code.

Gayunman, kinakailangan pa rin aniyang ikumpirma ng opisyal mismo kay Pangulong Duterte ang kaniyang magiging desisyon hinggil dito.

Una nang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na naipadala na sa Office of the President ang resignation letter ng kaniyang kapatid.

Tags: , ,