Reporma sa COMELEC, nais isulong ni Senatorial Candidate Atty. Glenn Chong

by Radyo La Verdad | February 9, 2019 (Saturday) | 4355

Manila, Philippines – Hindi tiwala sa Automated Elections System na ipinatutupad ng Commission on Election (COMELEC) ang fraud accuser at dating kinatawan ng Biliran na si Atty. Glenn Chong. Gayon pa man ay napilitan siyang tumakbo sa pagkasenador sa darating na halalan.

Sa kaniyang ekskulisibong panayam sa programang Get it Straight with Daniel Razon, aminado siya na nais niyang gamitin ang pagtakbo niya sa halalan upang maibunyag ang mga katiwalian at pandaraya ng mga tinutukoy niyang sindikato sa eleksyon.

Dagdag pa ni Chong, dapat na rin aniya na matuldukan na ang mga iregularidad na nangyayari tuwing sasapit ang halalan sa bansa.

“Smartmatic, Sir,(Daniel Razon), kick them out kasi ‘di naman natin pwedeng i-kick out ang COMELEC because it’s a constitutional body. We can reform the Commission on Elections, but we cannot reform an incorrigible Smartmatic. So Smartmatic has to be thrown out of this country, for good and then we reform the commission on elections” ani Chong.

Nananawagan din si Chong sa mga kapwa baguhang Senatorial candidate na gayahin ang kaniyang gagawing diskarte upang maiwasan ang mga pandaraya.

Hinahamon din niya ang COMELEC na wag subukang mandaya sa darating na halalan dahil kung matuklasan aniya na siya ay dinaya, ay siya mismo ang huhuli sa mga ito.

“One month before the elections, it will show to the COMELEC and Smartmatic exactly how many votes I have in these particular precincts. ‘Pag bumaba ang boto na inilabas ng makina dun sa pinakita ko sa kanila. I take full responsibility, oorderan ko ang mga tao na, buksan niyo ang mga balota, sabihin niyo order ko yan, ako ang magpapakulong buksan niyo iyan at bilangin ang boto. In other words, huhulihin ko sila, if they attempt to cheat me” sabi ni Chong.

Bagaman nilinaw din ni Chong na hindi niya gustong magresulta sa rebolusyon ng taumbayan ang naturang halalan kung magkakaroon ng dayaan ay hindi pa rin aniya siya makakakapayag na magtuloy-tuloy ang masamang kalakaran sa bansa tuwing eleksyon.

“If it is not within the law, it’s against the law. So next will be? The next supreme law is the will of the people. The people can always re-write the constitution, the people can always re-write the law” ayon kay Atty. Chong.

Tiwala naman si Chong na kung walang mangyayaring electoral fraud, mananalo siya sa Senatorial race.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,