Repairman sa China nasa ICU matapos maipit sa ginagawang escalator

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 832

CHINA
Nagtamo ng matinding pinsala ang isang repairman sa Southwest China matapos itong maipit sa escalator.

Ayon sa ulat, nakalimutan umano ng repairman na patayin ang power ng escalator kung kaya’t biglang umandar ito habang kinumkumpuni.

Kaagad naman nabaklas ng firefighters ang mga bakal sa loob ng escalator para matanggal ang nakaipit na lalake.

Sa ngayon ay nanatili sa intensive care unit ang lalake sa isang local hospital.

(UNTV NEWS)

Tags: ,