Rekomendasyong paluwagin ang quarantine status sa NCR, hindi pa madesisyunan ng Metro Manila Mayors

by Erika Endraca | April 26, 2021 (Monday) | 2076

METRO MANILA – Wala pang napag-uusapan ang Metro Manila mayors kaugnay sa kanilang rekomendasyon kung mas paluluwagin na ang community quarantine sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Benhar Abalos Jr., naghihintay pa sila ng datos ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.

Bagaman nakakakita na ang mga NCR mayors ng pagbaba ng mga kaso na posibleng dahilan ng pagluluwag ng community quarantine status sa rehiyon.

“Halos siguro lahat ng lgus, halos pababa na. Pero if you’re going to look at the 3 day continuous na pagbaba, you’re looking at Malabon, Pateros and Navotas, ito yung continuous decline from April 19 to 21. If this trend will continue, I’m very sure na bababa ang ating kaso sa ospital, ang ating icu and, probably, mas bababa na rin ang ating quarantine status.” ani MMDA Chairman, Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

Patuloy namang nananawagan ang konseho ng mga Metro Manila Mayor sa publiko na sumunod sa minumum health and safety protocols laban sa pandemya.

“Lahat ng Juan Dela Cruz, ang ganda ng ginawa natin. Ang sa akin lang, if this is the variant, we cannot say what will happen tomorrow. Always, parati tayong maghanda. We must be prepared.” ani
MMDA Chairman, Benjamin “Benhur” Abalos Jr.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: , ,