Rekomendasyon para sa pediatric COVID-19 Vaccination, maingat pang inaaral ng DOH at mga eksperto

by Erika Endraca | September 24, 2021 (Friday) | 1156

METRO MANILA – Pormal nang ipinanukala ni Vaccine Czar at National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte na umpisahan na ang pagbabakuna sa mga bata sa kalagitnaan ng susunod na buwan.

Nguni’t ayon kay Sec. Galvez unahin ang mga may comorbidity at anak ng healthcare workers

Kumpiyansa ang opisyal na sa parating na bulto ng covid-19 vaccines at deliveries, mas maraming mga sektor ang mababakunahan kontra covid-19

“So we are proposing, mr. President, to open up the vaccination for children by mid of October kasi by the mid of October, may additional pa tayong 20 million na darating plus ‘yung 23 million, kayang- kaya na po nating i-vaccinate natin ‘yung ano ‘yung 12 million ano 12 million po na mga bata na 12 to ano 12 to 17.” ani NTF vs COVID-19 Vaccine Czar & Chief Implementer, Sec. Carlito Galvez.

Pero ang Department of Health (DOH), wala pang pinal na rekomendasyon sa pagbabakuna sa mga bata

Ayon sa kagawaran, suportado nila ang pagbibigay ng proteksyon sa mga menor de edad, ngunit maingat pang pinag-aaralan ng mga eksperto ang tungkol dito.

Dapat anilang matiyak ang safety at dapat may sapat at stable na supply na ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Ayon pa sa DOH, habang hindi nakakapagsimula ng pagbabakuna sa mga kabataan, ang mga kabilang sa adult population at priority sector ang dapat munang mabakunahan upang makamit ang “Cocoon Effect”na proteksyon din sa mga bata.

“Kungng mababakunahan po natin ang mga nakapalibot sa ating mga kabataan, ay mga kasama sa bahay . We will also be able to protect the children inside their homes.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire .

As of Sept 22,2021 42.7 million COVID-19 vaccines doses na ang na- administer sa buong bansa.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,