Regulasyon laban sa paggamit ng e-cigarettes o vapes, pinag-aaralan na ng DOH

by Radyo La Verdad | March 15, 2018 (Thursday) | 6115

Laganap na rin ang vape o e-cigarette shops sa bansa at marami na ring Pilipino ang nahuhumaling dito lalo na ang mga kabataan. Nagiging daan din ang vape para sa ilan upang tumigil sa paninigarilyo.

Nguni’t batay sa ulat ng United States Center for Disease Control and Prevention at National Center for Health Research, toxic at carcinogenic o maaaring magdulot ng cancer ang mga kemikal na makikita sa vaporized nicotine cigarettes o vapes.

Sang-ayon din ang Department of Health sa mga pag-aaral sa buong mundo na may nicotine pa rin ang e-cigarettes o vapes.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, hindi kasama ang vaping sa mga scientifically proven at nirerekomenda ng mga eksperto na paraan upang matigil ang paninigarilyo.

Kaya naman pinag-aaralan na ngayon ng kagawaran ang paglalabas ng regulasyon laban sa e-cigarette kagaya ng nationwide smoking ban o EO No. 26.

Suportado rin ng DOH ang mga panukala sa Kamara para sa regulasyon ng importasyon, distribusyon at pagbebente ng e- cigarettes sa bansa.

Dagdag pa ng DOH, wala ring certification ang e-cigarettes o vapes mula sa Food and Drug Admnistration (FDA) dahil hindi ito nahuhulog sa kategorya ng pagkain o gamot.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,