Recruitment umano ng ISIS sa mga menor de edad sa Cotabato city, pinabulaanan ng AFP

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 2787

afp
Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines ang recruitment umano ng ISIS sa mga menor de edad sa Cotabato city.

Ayon sa AFP, isa lamang uri ng bandidong grupo na nagpapakilalang may koneksyon sa international terror group ang kasalukuyan nilang tinutugis sa Sultan Kudarat.

Nanawagan din ang AFP sa mga magulang na bantayan mabuti ang kanilang mga anak upang hindi mahikayat ang kanilang anak na sumapi sa mga kahalintulad na grupo.

Tags: , , ,