Recovery efforts sa naapektuhan ng matinding pagbaha sa West Virginia, posibleng matagalan

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 4028
West Virginia Governor Earl Ray Tomblin(REUTERS)

West Virginia Governor Earl Ray Tomblin(REUTERS)

Posibleng matagalan pa ang recovery efforts ng mga otoridad sa mga residenteng naapektuhan ng matinding pagbaha sa West Virginia.

Ayon kay West Virginia Governor Earl Ray Tomblin, libo-libong bahay ang nawasak ng baha at kinakailangan nito ng overhaul.

Marami ring mga residente ang pansamantalang walang trabaho dahil sa nasira rin ang kanilang mga shop.

Inaasahan na makakatanggap ng federal assistance ang mga lugar na matinding napinsala ng baha.

Umabot na sa 25 ang bilang ng nasawi sa itinuturing historic flood na nangyari sa estado.

Tags: , ,