Records ng kaso ni Sen. Leila De Lima, ipinasusumite sa Korte Suprema hanggang sa Biyernes

by Radyo La Verdad | March 15, 2017 (Wednesday) | 1687


Hinihingi na ng Supreme Court ang lahat ng records ng kaso ni Senator Leila de Lima at ng imbestigasyon ng Senado at House of Representatives sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Binigyan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng hanggang Biyernes, March 17, ang kampo ni de Lima upang isumite ang kopya ng kanilang mga petisyon sa Court of Appeals at transcript ng hearing ng Muntinlupa RTC Branch 204 sa mosyon ng senadora.

Inatasan naman ang Office of the Solicitor General na isumite ang records ng preliminary investigation at kopya ng resolusyon ng DOJ sa kaso ni de Lima.

Hinihingi rin ng korte ang transcript ng pagdinig ng Senado at House of Representatives sa Bilibid drug trade at ang kopya ng kanilang committee reports.

Muling didinggin ng SC ang petisyon ni de Lima sa darating na Martes.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,