Nakapagtala ng bagong record ng temperatura ang naitala sa India noong isang linggo bunga ng heat wave sa bansa.
Sa siyudad ng Valsad, Gujarat ilang aspaltadong kalsada na ang natutunaw dahil sa sobrang init na umaabot hanggang 36 degrees celsius.
Ilang tumatawid na residente rin ang dumikit ang mga tsenelas at sapatos sa kalsada.
Naitala ang pinakamataas na temperatura sa siyudad ng Phalodi na umabot sa 51 degrees celsius ang init.
Labing tatlong estado na ang nakakaranas ng matinding tagtuyot.
Ayon sa Indian Weather Officials makararanas ng heat waves ang bansa hanggang sa susunod na buwan.
(UNTV RADIO)