Rebranding o Historical Revisions, itinanggi ni DepEd Sec. VP Sara Duterte

by Radyo La Verdad | October 26, 2022 (Wednesday) | 5708

METRO MANILA – Iginiit ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na hindi nila pinapalitan ang mga nakasaad sa kasaysayan.

Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi nito na wala sa kanilang mandato na baguhin o sirain ang integridad nito.

Sinabi ng pangalawang pangulo na maka-ilang beses na ring itinanggi ng kagawaran sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Michael Poa na may ginagawa silang “Rebranding” o historical revision.

Binigyang diin din nito na ang katagang “Bagong Lipunan” ay nakasaad at ginagamit na sa aklat ng DepEd mula pa noong 2000.

Tags: , , ,