Rafa Nadal, sinimulan na ang kanyang ika-10th title quest matapos talunin si Edmund Kyle

by Radyo La Verdad | April 20, 2017 (Thursday) | 707

Rafa Nadal(REUTERS)

Sinimulan ni Rafael Nadal ang kanyang paghahangad na makamit ang kanyang ika-sampung titulo sa Monte Carlo Masters sa pamamagitan ng panalo kay Edmund Kyle ng Great Britain sa third round.

Pero hindi naging madali ang panalo ni Nadal kay Edmund at kinailangan niya ang tatlong sets 6-0, 5-7, 6-3 bago ito nadispatsa.

Maganda ang naging simula ni Nadal sa simula pero lumaban ng todo ang hard-hitting 22-year-old na si Edmund kaya nanganib pa ang Spaniard na matalo.

Ang laro ang pang-apatnaraang laban ni Nadal sa paborito niyang court sa Monte Carlo.

Tags: , ,