Quarterly tree planting ng BJMP Caraga, isinagawa sa Butuan City

by Radyo La Verdad | December 6, 2018 (Thursday) | 12654

Isang daang binhi ng palkata tree ang sama-samang itinanim kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Jail Manangement and Penology (BJMP) sa Mahay, Butuan City.

Ito ay bahagi ng Adopt a Mini Forest project ng BJMP na nagsimula pa noong 2014 na layong isulong ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.

Ayon sa isang forest technician ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), dahil flashflood prone ang ilang lugar sa Butuan City ay malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng maraming kahoy kada tatlong buwan. Kailangan lang sundin ang tamang proseso ng pagtatanim nito upang huwag mamatay at tumubo ng maayos.

Nitong mga nakaraang buwan lang ay ikinasama ng loob ng BJMP Caraga ang pagkakasunog sa kanilang mga nauna nang itinanim na punong kahoy sa lugar.

Hindi naman matukoy ng mga opisyal ng barangay kung sino ang mga responsable sa pagsunog dito.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,