PUV modernization program, nanatiling prayoridad ng DOTr

by Radyo La Verdad | July 7, 2023 (Friday) | 4802

METRO MANILA – Nanatili pa ring prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsusulong ng modernisasyon sa hanay ng pampublikong transportasyon.

Sa isinagawang transport forum kahapon (July 6),  ipinakita ng DOTr ang iba’t ibang makabagong disenyo ng mga modern Public Utility Vehicles (PUV) kabilang na ang modern jeep, modified jeepney, at modern bus.

Kabilang sa mga makabagong disenyo ang iba’t ibang equipment at safety features ng mga modern PUV gaya ng GPS, CCTV, libreng Wi-fi, side entrance, air-conditioning, at sapat na espasyo para sa mas maginhawang pagsakay ng mga pasahero.

Tags: , ,