Pulis Pasay at isang sibilyan, huli sa buy bust ng iligal na baril ng PNP-CITF

by Radyo La Verdad | October 24, 2018 (Wednesday) | 2851

Hindi na nakapalag pa ang aktibong pulis na nakatalaga sa Station 5 ng Pasay nang hulihin ito ng mga tauhan ng Philippine National Police Counter-Intelligence Task Force kahapon ng hapon sa 3rd Street Bagong Lipunan, Quezon City.

Si PO2 Jaid Pingli ang kontak ng poseur buyer ng CITF na bumibili ng M4 M16 rifle sa halagang 90 libong piso. Arestado rin ang sibilyang kasama nito na si Jose Dalayre na siyang taga-gawa ng baril.

Ayon kay CITF Commander PSSupt. Romeo Caramat Jr., pang apat na beses nang nakabili ng baril ang poseur buyer sa dalawang suspek. Nakumpiska sa mga ito ang isang m4 m16 rifle at 9mm pistol.

Kinumpirma rin ni Caramat na mayroon ng dalawang pulitiko mula sa Kalinga ang parokyano ng mga suspek ng mga baril na walang lisensya. Konektado din umano ang suspek sa Pingli Brothers ng Zamboanga Peninsula na kilalang sindikato ng kidnap for ransom.

Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms Law and Ammunition. Bukod sa criminal case, kakasuhan din ng administratibo ang pulis.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,