Pulis na sugatan sa motorcycle accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 6, 2017 (Monday) | 2392


Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle rider na naaksidente sa kanto ng EDSA at Quezon Avenue sa Quezon City pasado alas otso kagabi.

Kinilala ang biktima na si PO2 Rommel Domingo, tatlumpu’t anim na taong gulang, nakatalaga sa Valenzuela Police Headquarters.

Ayon sa traffic officer sa lugar, mabilis ang takbo ng biktima nang bigla na lamang sumadsad sa center island ang minamaneho nitong motorsiklo at saka natumba.

Nagtamo ang biktima ng mga galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

At dahil sa impact ng aksidente, natanggal ang helmet ng nito kaya’t nagtamo rin ito ng pinsala sa kaniyang ulo.
Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong pinsala ng biktima at dinala saka East Avenue Hospital.

(Asher Cadapan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,