Pulis na sugatan sa isang aksidente sa Quezon city, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1523

reynante_tmbb
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang isang pulis na nasugatan sa parking area ng Community Precint 1 ng Trinoma sa Quezon city dakong alas dos y medya ng madaling araw.

Nadatnan ng grupo ang biktima na nakahiga pa sa kalsada na iniinda ang tinamong pinsala.

Nagtamo ito ng deformity o pagkalinsad ng kanyang kanang binti na agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Pagkatapos nito ay isinugod na sa Orthophedic center ang biktima

Sa inisyal na impormasyon mula sa kasama nitong pulis na-atrasan ang biktima ng Toyota Innova na minamaneho ng kanyang asawa.

(Reynante Ponte/UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,