Pulis na sangkot sa vehicular accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 1437

ALLAN_TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng cargo truck at motorcycle na minamaneho ng isang pulis sa kahabaan ng Pan-Phil Highway sa Brgy. San Isidro, Pili Camarines Sur pasado alas dies y media kagabi.

Binigyan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team si PO1 Marcelo Aluzan na nagtamo ng minor injuries at tumangi ng magpahatid sa ospital.

Wala namang tinamong pinsala ang driver ng cargo truck na si Rey Magistrado.

Ayon kay Magistrado hindi nya napansin ang motorcycle rider na biglang lumikong pakanan dahil hindi ito nagbigay ng signal light.

Ngunit ayon naman kay PO1 Aluzan masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Magistrado ng sasakyan kaya sya inabot nito.

Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , ,