Pinaiimbestigahan na ng pamunuan ng Philippine National Police sa Negros Island Regional Director si Victoria Police Chief Frederick Mead.
Matapos na mag viral sa facebook ang video kung saan ginawang live target ni Mead tauhan nito na si PO1 Marvin Gustilo noong May 19.
Sa halip na lobong hawak ni Gustilo, ang paa nito ang tinamaan ng bala
“Hindi ko ma-imagine kung anong purpose nung ganong klaseng activities. Dahil wala naman sa regular training at the moment ng PNP, ginagawa yan sa special units confidence firing hindi naman sya special unit.The investigation should already be underway.” Pahayag ni PNP Chief PDG Ricardo Marquez
Dapat din aniyang managot ang opisyal dahil nasugatan ang biktima matapos tamaan ng bala sa paa.
(UNTV RADIO)