Lumapit sa tanggapan ni Victoria Police Chief Inspector Danilo Manipon ang dating miyembro ng Tarlac Provincial Police Office upang himingi ng tulong.
Isa si alias Jimmy sa mga itinuturing na drug high value target matapos siyang mag-awol sa trabaho noong Disyembre nang mag-positibo sa drug test noong July 2016.
Kusa siyang sumuko dahil umano sa mga natatanggap nitong banta sa kanyang buhay.
Dating naka-assign sa intelligence division sa Tarlac si alias Jimmy subalit inilipat sa national headquarters habang dinidinig ang kaso nito.
Handa naman ang Tarlac PPO na bigyan ng seguridad si alias Jimmy kung hihilingin nito.
Samantala, tiniyak naman ng bagong talagang OIC Provincial Director ng Tarlac na nagpapatuloy na ang kanilang internal cleansing sa hanay ng pulis.
(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)
Tags: Pulis na nag-awol matapos mag-positibo sa droga, sumuko na sa Tarlac