Public Satisfaction rating ni Pangulong Aquino, nakabawi sa bagong SWS survey

by Radyo La Verdad | June 19, 2015 (Friday) | 951

standard bearier
Nakabawi ang Satisfaction Rating ni pangulong Aquino base sa inilabas na ulat ng Social Weather Station Survey ngayong Biyernes.

Matatandaang sumadsad sa pinakamababa ang satisfaction rating ng Pangulo na nasa +11 noong Marso.

Batay sa SWS survey, Nakakuha ng +30 satisfaction rating ang Pangulo.

Sa 1,200 respondents na tinanong noong nakaraang June 5 hanggang 8, 57% ang nasisiyahan sa trabaho ng Pangulo mula sa dating 47% noong Marso habang 27% naman ang hindi nasisiyahan at 15% naman ang hindi makapagpasiya.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang naturang survey ay nagpapakita ng mataas na tiwala ng taong bayan sa pamamahala ni Pangulong Aquino.

Ani Coloma, marami ding Pilipino ang sumusuporta sa mga reporma na itinataguyod ng pamahalaan.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)