Psycho-social debriefing sa mga estudyante sa Marawi City, tututukan ng lokal na pamahalaan

by Radyo La Verdad | June 5, 2018 (Tuesday) | 5273

Matinding trauma ang idinulot sa mga mag-aaral ng nangyaring krisis sa Marawi City noong nakaraang taon dahil sa paglusob ng Maute ISIS terrorist group.

Ilan sa kanila, ayaw o nahihirapang bumalik sa eskwela sa takot na maulit ang pangyayari.

Kaya naman plano ng pamunuan ng Amai Pakpak Central Elementary School (APCES) na tutukan ang psycho-social debrifing sa mga bata.

Samantala, iba’t-ibang problema din ang sumalubong sa pagbubukas ng klase ngayong araw sa Marawi City. Kabilang dito ang kakulangan sa upuan para sa tinatayang tatlong libong estudyante ng APCES. Pinaupo na lamang sa sahig ang mga mag-aaral.

Inirereklamo rin ng ilang guro dito ang mga hindi magamit na classrooms dahil ginawang tamabakan ng mga relief goods.

Sa ngayon ay isang shift lang ang klase sa APCES. Ito ay mula alas otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon  dahil na rin sa umiiral na martial law sa Mindanao.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

Tags: , ,