Proseso sa pagkuha ng business licenses, planong pabilisin ng DILG

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 978

JOAN_SUENO
Plano ng bagong liderato ng Department of Interior and Local Government o DILG na mapabilis ang proseso sa pagkuha ng business licenses.

Ayon kay DILG Secretary Ismael “Mike” Sueno, sa susunod na linggo ay nakatakda silang maglabas ng bagong memorandum order, kung saan hindi na isasama ang Bureau of Fire Protection sa mga kawani ng pamahalaan na mag-a-ssess sa building construction ng isang business establishement.

Paliwanag ng kalihim, tanging ang fire safety na lamang ang dapat na pagtuunan ng pansin ng BFP, at hindi rin kinakailangan na pilitin ang mga ito ang mga business owner na bumili sa kanila ng mga fire extinguisher.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,