Proposed Bangsamoro Basic Law, tatalakayin na sa Kamara ngayong Abril

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 1673
File photo

File photo

Tatalakayin na ngayong buwan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Isasagawa ito sa 20 hanggang 30 ng Abril upang mapagbotohan na at maipasa sa plenaryo sa buwan ng Mayo.

Umaasa si Ad hoc Committee on the Bangsamoro chairperson Rep. Rufus Rodriguez na matatapos nila ang BBL sa katapusan ng Hunyo.

Tiniyak naman ni Rodriguez na bubusisiin nila ang panukala upang walang makalusot na ‘unconstitutional’ provisions.(UNTV News)

Tags: , ,