Produksyon ng mangga sa bansa, dumami dahil sa epekto ng El Niño – DA

by Radyo La Verdad | June 10, 2019 (Monday) | 3140

METRO MANILA, Philippines – Iniluwas sa Metro Manila ng mga manggo grower mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang kanilang mga inaning mangga.

Proyekto ng Department of Agriculture na matulungan silang ibenta ang over supply na 2 milyong kilo ng mangga.

Ayon sa DA, nakabuti ang epekto ng El Niño sa bansa sa produksyon ng mangga at iba pang pananim.

Bukod sa Central Office ng DA sa Elliptical Road sa Quezon City, ay mabibili din ang mga mangga sa Bureau of Plant Industry sa Malate, sa Muntinlupa at Parañaque City Hall at sa isang mall sa North EDSA, Makati at Pasay.

Nasa 40-50 pesos ang magagandang klase na dating nabibili sa halanggang 200 kada kilo kapag hindi panahon ng mangga.

Kumita naman daw ang mga mango grower lalo na noong Abril subalit sa ngayon ay wala na silang mapaglagyan.

Nag-viral nga sa social media ang larawang ng isinabit na mga mangga sa isang bakod sa Salcedo, Ilocos Sur at maaaring kumuha ang kahit na sino nang libre.

Ayon sa DA, nangyayari ang over supply tuwing 3-4 years kung kailan mainit ang panahon.

Nage-export din ng mangga ang Pilipinas sa ilang bansa gaya ng Japan at Dubai.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,