Problema sa job-skill mismatch sa bansa, isa sa mga tutukan sa binuong career guidance advocacy plan

by Radyo La Verdad | May 27, 2016 (Friday) | 11769

DOLE
Ayon sa Philippine Statistics Authority nasa 101.6 million na ang populasyon ng Pilipinas noong 2015.

Nasa 67 million naman dito ang may trabaho.

Batay naman sa January 2016 PSA Labor Force Survey, ang mga unemployed workers sa bansa ay nasa 48.3% mula kinse hanggang bente kuwatro anyos o katumbas ng 1.169 million .

47.8% naman dito o 1.157 million ay nasa 25 hanggang 54 ang edad.

Umabot naman ang youth unemployment rate sa 14.4% samantalang nasa 19. 7 percent total underemployment rate.

Sa pag-aaral na ginawa ng kagawaran ang job-skill mismatch ang isa mga pangunahing dahilan kung bakit marami ang walang trabaho sa Pilipinas lalo nasa hanay ng mga kabataan.

Pangunahing layunin ng career advocacy congress na pataasin ang employment rate sa bansa at makapagbigay ng trabaho na akma sa kursong pinag-aralan o sa kakayahan ng isang job applicant.

Katulong ng DOLE sa pagbuo ng Career Guidance Advocacy Plan at Working Group o CGAP- WG ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng DepEd, DOST, CHED, TESDA at PRC.

Target ng Career Guidance Advocacy Program Working Group natutukan ang mga kabataang hindi tapos sa pag-aaral at hirap sa paghahanap ng trabaho. Kasama sa plano nila ang pagbuo ng mga proyektong magbibigay ng angkop na trabaho maging sa out of school youth sa bansa.

(Aiko Miguel/UNTV NEWS)

Tags: