Ginagawan na ng paraan ng Facebook ang nararanasang problema ng maraming Facebook at Instagram users sa iba’t-ibang bansa.
Ito ay kasunod ng insidente kung saan hindi ma-access simula pa kagabi ang mga naturang social-network sites lalo na sa mga gumagamit nito sa kanilang desktop computers.
Tiniyak naman ng pamunuan ng FB, ang naturang problema ay hindi konektado sa DDoS attack o Distributed Denial of Service.
Ang DDoS attack ay nangyayari kapag nagkakaroon ng problema sa kanilang web servers.
Kabilang sa mga nakaranas ng problema ay ang mga nasa North Amerika, Europe, Hong Kong, South Korea, Japan at Pilipinas.
Mabilis namang nagtrending sa twitter worldwide ang mga hashtag na FACEBOOKDOWN at INSTAGRAMDOWN.
Ang Facebook ay may tinatayang two billion users.
Tags: #Facebookdown, #Instagramdown, Facebook at Instagram, Mark Zuckerberg