Mamayang alas tres pa ng hapon inaasahang magsisimula ang programa ng pro-revolutionary government groups sa Mendiola pero ngayon pa lang ay maraming na ang mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Galing sa iba’t-ibang dako ng Metro Manila ang karamihan sa kanila. May ilan naman na galing pa sa Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Nueva Ecija, Samar at Bicol.
Tinatayang mahigit sa isang libo supporters ng Pangulo na ang makikiisa pero inaasahang kakapal pa ang dami ng tao mamaya. Ang iba sa kanila, kagabi pa umano dumating sa Mendiola.
Kabilang sa mga grupo na nakiisa sa pagdiriwang ang Blessed Generation Interfaith Ministries, grupo ng Kilusang Pagbabago, strength, weak, opportunities, threats at marami pang iba.
Tags: Mendiola, Pangulong Duterte, pro-revolutionary government groups