Private armed group ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., kabilang umano sa Mamasapano Clash

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 1498

salute-to-the-SAF-3
Kabilang umano ang private armed group ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. sa nangyaring engkwentro sa Mamasapano noong ika-25 ng Enero kung saan 44 na SAF commandos ang nasawi ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ipinahayag ni AFP Spokesman Brigadier Gen. Joselito Kakilala na karamihan sa mga miyembro ng private army ng mga Amputan ay umanib sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos masangkot sa Maguindanao Massacre noong 2009.

Una nang lumabas sa imbestigasyon na hindi lamang MILF at BIFF ang naka-engkwentro ng PNP-SAF sa Mamasapano.