Rollback sa presyo ng langis, asahan sa susunod na linggo

by monaliza | March 21, 2015 (Saturday) | 1760
Photo credit: UNTVweb.com

Photo credit: UNTVweb.com

Inaasahan muli ang pagbaba ng presyo ng langis sa susunod na linggo.

Posibleng pumalo sa P1.20 hanggang P1.40 ang rollback sa presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang maaaring bumaba sa P0.95 hanggang P1.10 ang bawat litro ng diesel.

Bababa din ang presyo ng kerosene ng P0.80 hanggang P0.95 kada litro.

Ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Tags: , , , , ,