Bumaba ng 50 sentimos ang presyo ng tasty bread at pinoy pandesal simula kahapon.
Ayon sa Philippine Federation of Bakers Association, ito’y bahagi ng kanilang commitment sa mga consumer sa kabila ng pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas at iba pang petroleum products.
Ang presyo ngayon ng pinoy tasty bread ay P35.50 habang ang pinoy pandesal naman ay P22.00 kada supot.
Samantala, mananatili naman ang presyo ng pandesal at tasty bread sa ilang panaderya gaya ng kamuning bakery.
Ito ay dahil marami silang tauhan at kayat kaunting bahagi lamang ng kanilang proseso sa paggawa ng tinapay ang ginagamitan ng makina.
Nananatili din ang sukat ng kanilang pandesal na nagkakahala ng P2.50 kada piraso habang P45 naman ang tasty bread.
(Rey Pelayo/UNTV NEWS)
Tags: Philippine Federation of Bakers Association, pinoy pandesal