Presyo ng sardinas tumaas; loaf bread bumaba naman ang presyo

by Radyo La Verdad | December 6, 2018 (Thursday) | 4364

Tumaas ang presyo ng sardinas ng apatnapu hanggang walumpu’t limang sentimos ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon sa DTI, ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng tamban na ginagawang sardinas na ngayon ay nasa tatlumpu’t dalawang piso kada kilo.

Samantala, nagbaba naman ng presyo ng loaf bread ang mga manufacturer. Aabot sa piso ang ibinaba ng presyo para sa 400 grams at dalawang piso naman sa 600 grams ng isang sikat na brand, habang ang ibang brand ay nagbawas naman ng aabot sa 5.50 piso.

Dahil sa paggalaw ng presyo, maglalabas ng bagong suggested retial price (SRP) ang DTI ngayong linggo.

Tags: , ,