Naglabas na ng forecast ang Unioil para sa presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon sa pahayag ng Unioil, inaasahang ipatutupad ang isa na namang fuel increase simula bukas, June 21.
Base sa taya ng Unioil, nasa P2.50 ang posibleng idagdag sa presyo ng diesel habang nasa 50 sentimos naman kapag gasolina. Halos ganito rin ang adjustment na inaasan ng Clean Fuel ngayong linggo.
Pangunahing mga dahilan pa rin nito ay ang krsis sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang pagluwag ng mga restriksyon sa China na dahilan ng pagtaas ng demand sa langis ng bansa.
Ngayong taon, umaabot na ng mahigit 40 pesos ang itinaas sa presyo ng krudo, mahigit 28 pesos sa gasolina, at halos 38 pesos sa kerosene.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, ang patuloy na fuel price hike ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga saksakyan sa EDSA simula noong buwan ng mayo.
Asher Cadapan, Jr. | UNTV News
Tags: Fuel increase, Russia vs Ukraine